Thursday, December 3

"Ang Chismosa at Matapobre"

Isang larawan ng magkakamag-anak o komunidad ng Pilipino ngayon:
Nakakalungkot naman ang lipunan ngayon. May mga bahagi ng lipunan na uunlad ang buhay, ang buhay na ito ay maaaring manahin ng kanilang mga anak. Samantalang ang ilang bahagi ay magkakaroon ng mahirap na pamumuhay. Ang ilan sa mga ama at ina mula pa noon hanggang ngayon ay matatalas ang dila. Tipong kung makahusga sa kapwa ay para bagang ang kasalukuyan ay parehas lang kinabukasan. Ang mahirap, manliliit sa kanyang sarili dahil lagi nyang iisipin na siya ay walang kakayanan.
Napa- hipokrito lang ng ganitong pag uugali ng iilang Pilipino. Habang lumalaki ako, marami akong nakitang mga nanay na nagkukumpulan. Sa tuwing may dadaan, silay magtitinginan, pagkatapos titignan ka mula ulo hanggang paa, matapos ay samu't-sari ng kapintasan ang pag-uusapan. May mga kamag-anak naman na ang dugo na dumadaloy sa usapan ay ang hamakin sa pamamagitan ng chismis ang kanilang sariling kamag-anak na tila bagang silay mamatay kung may nakakalamang sa kanila.
Maaari bang tayoy magsama na hindi ka bibigkas ng ikakalungkot ng iyong kapwa? Kung ika'y nasa tuktok na, wala ka bang anak o apong maaaring sa susunod ay kailanganin din ng tulong dahil silay nasa baba? Ikaw ba'y may perpektong pamilya? Kung nagtatagumpay ang iba, hindi ba maaaring suportahan mo sya kesa sabihan mo pa na,"Kung hindi kasi kaya, wag ipilit. Hindi nya kaya yan." Dahil ba ang iba'y mahirap, hindi na sila maaaring umunlad? Dapat bang ikwento sa iba ang ikakasama ng imahe ng kapwa mo? Nagtatagumpay ka ba pag ganun? Nasa Panginoon na ang nararapat sa iyo.
Sana'y mawala na ang ganitong kultura sa ating pag uugali bilang mga Pilipino. Naalala ko ang sinabi ng isang speaker sa conference na in-attendan ko, "Basta may chismis, lumalayo na ako. Dahil kasalanan yun." Period.
Nasa corporate world ako ngayon, nasaksihan ko na di lahat ng mayaman ay madaling magsalita ng "Stupid. Idiot. etc" sa kanilang empleyado. Ibig sabihin, nasa ugali ito, hindi sa yaman.
Malinaw ang Salita ng Diyos. Kasalanan ang manghusga, manira, mang-tsismis o manakit ng kapwa. Hindi porke ikaw ay di kriminal, mabuti ka ng tao. Pigilan ang dila, pagkat sa pamamagitan nyan ikaw ay hahatulan.

Wednesday, February 25

Ang Aking Unang Pag-ibig

photo from http://minsmash.com/2014/01/22/first-love/

Mawawari ba ang unang pag-ibig?
Ang unang “Mahal Kita”
Ang unang hawak ng kamay
At ang unang beses na kita’y kasama
Tayong dalawa lang
Para bagang hindi na matatapos
At kung iisipin na aabot din ang gabi
Naramdaman ko’y takot
Na baka bukas, ang mga unang beses ay hindi na masundan.

Mawawari ba ang unang pag-ibig?
Nang sinabi mong hindi mo alam kung hanggang kailan
Ngunit ang kaba’y nais munang kalimutan
Nais maranasan ang sinasabing ligaya
Nang ika’y makasama… makasamang mangarap.
Na para bagang wala ng ibang hihilingin pa
Basta’t ikaw at ako’y magkasama

Mawawari ba ang unang pag-ibig?
Kahit maraming balakid ay sinisikap bigyang pansin
Ngunit ang oras ay hindi maaring pigilan
Dumating ang panahon na ikaw’t ako’y di nagkaunawaan.

At isang araw, ako’y muling kinausap
Masayang ika’y muling masilayan
Ang mahal kong sa Diyos aking ipinagpapasalamat
Ngunit ang inaakalang sandali ay sadyang di ninais na dumating
Malungkot ang iyong mga matang sinabi sa akin
“Hindi na ako masaya”…
Sa sandaling iyon, nais kong bumalik ang oras
Sana palaging unang beses ang lahat
Sana ikaw at ako’y hindi magkahiwalay.

Mawawari ba ang unang pag-ibig?
Sinikap na lumimot, landas nati’y nagkaiba
Ilang araw, buwan, at taon ang nagdaan
Ngunit ilang gabi pa ring ika’y naalala
Nanalangin sa ating Ama
Na kung nasaan ka man ika’y ingatan
Sana’y maligaya at nagpapatuloy sa buhay.

Mawawari ba ang unang pag-ibig?
Ikaw nga ba ang unang pag-ibig?
Kung ako’y patuloy na umiibig
Kahit ika’y di na makakapiling
Nawari ko’y, ang pag-ibig na ito’y
Hindi mula sa akin o sa iyo
Pareho tayo’ng tinuruang umibig
Nang Dakilang Mangingibig nating nasa langit.

Bagama’t nagkalayo, nais kong sabihin
Sa panalangin ko’y laging kang sinasambit

Mahal kita, nawa’y patuloy kang umibig.