photo from http://minsmash.com/2014/01/22/first-love/
Mawawari ba ang
unang pag-ibig?
Ang unang “Mahal
Kita”
Ang unang hawak ng
kamay
At ang unang beses
na kita’y kasama
Tayong dalawa lang
Para bagang hindi
na matatapos
At kung iisipin na
aabot din ang gabi
Naramdaman ko’y
takot
Na baka bukas, ang
mga unang beses ay hindi na masundan.
Mawawari ba ang
unang pag-ibig?
Nang sinabi mong
hindi mo alam kung hanggang kailan
Ngunit ang kaba’y
nais munang kalimutan
Nais maranasan ang
sinasabing ligaya
Nang ika’y
makasama… makasamang mangarap.
Na para bagang
wala ng ibang hihilingin pa
Basta’t ikaw at
ako’y magkasama
Mawawari ba ang
unang pag-ibig?
Kahit maraming
balakid ay sinisikap bigyang pansin
Ngunit ang oras ay
hindi maaring pigilan
Dumating ang
panahon na ikaw’t ako’y di nagkaunawaan.
At isang araw,
ako’y muling kinausap
Masayang ika’y
muling masilayan
Ang mahal kong sa
Diyos aking ipinagpapasalamat
Ngunit ang
inaakalang sandali ay sadyang di ninais na dumating
Malungkot ang
iyong mga matang sinabi sa akin
“Hindi na ako
masaya”…
Sa sandaling iyon,
nais kong bumalik ang oras
Sana palaging
unang beses ang lahat
Sana ikaw at ako’y
hindi magkahiwalay.
Mawawari ba ang
unang pag-ibig?
Sinikap na
lumimot, landas nati’y nagkaiba
Ilang araw, buwan,
at taon ang nagdaan
Ngunit ilang gabi
pa ring ika’y naalala
Nanalangin sa
ating Ama
Na kung nasaan ka
man ika’y ingatan
Sana’y maligaya at
nagpapatuloy sa buhay.
Mawawari ba ang
unang pag-ibig?
Ikaw nga ba ang
unang pag-ibig?
Kung ako’y patuloy
na umiibig
Kahit ika’y di na
makakapiling
Nawari ko’y, ang
pag-ibig na ito’y
Hindi mula sa akin
o sa iyo
Pareho tayo’ng
tinuruang umibig
Nang Dakilang
Mangingibig nating nasa langit.
Bagama’t
nagkalayo, nais kong sabihin
Sa panalangin ko’y
laging kang sinasambit
Mahal kita, nawa’y
patuloy kang umibig.
No comments:
Post a Comment